Chronotope Sa Labas ng Aklat

“Space becomes meaningful as time becomes endowed with the power to bring change.”   -Bakhtin

Ang konsepto ng chronotope ni Mikhail Bakhtin ay isa sa mga pinaka-interesanteng mga paksang natalakay namin sa klase. Tunay na nakabighani ang relasyon ng oras at lugar sa mga pangyayari sa isang nobela. Sabi nga sa klase ay mahusay ang chronotope kung hindi ito napapansin, at dahil kapag may nagsabi na mayroon tayong hindi napapansin, sa oras na iyon ay napapansin mo na, napag-isipan ko ang ilang bagay. Sabi nga ni Bakhtin, “hours are dragged out, days are compressed into moments, it becomes possible to bewitch time itself.” Naisip ko ang mga pagkakataon sa totoong buhay kung saan parang ang daming nangyari sa kaunting oras lamang, pati na rin ang mga mga pagkakataon kung saan ang pakiramdam ay ang dami nang oras ang nakalipas ngunit wala masyadong naganap.  Maaari pa lang ihalintulad ang ilang chronotope sa panitikan sa mga karanasan sa totoong buhay, at dahil dito ay kumuha ako ng mga timelapse at ginawa itong GIF. (Maaaring matagal ito mag-load.)
Masasabi ng marami na ang chronotope sa realistic fiction ay sabay ang mga pangyayari sa paglipas ng panahon. Karaniwan sa araw-araw na pamumuhay ang ganitong kamalayan sa oras, at makikita ito sa timelapse ng halos walang trapik sa Katipunan sa (maagang) hapon. Pansinin ang ulap bilang marka ng paglipas ng oras.

bloggif_558e35c01a9ea

Link ng video: /https://www.youtube.com/watch?v=ZK9PIAVr9T8

Sa mga kuwentong adventure naman, hindi natin akalain pero ang maraming pakikipagsapalaran ay nangyayari sa kaunting oras lang. Makikita sa unang timelapse sa ibaba na maraming tao ang lumalabas at pumapasok sa Rizal Library sa halos isang minuto at tatlumpung segundo lang ng pagkuha ng video para sa timelapse.

bloggif_558e37be59ff5

Link ng video: /https://youtu.be/bh8x5unrVKc

Ang timelapse ng trapik sa Katipunan sa umaga (mga 10:15am) ay isa pang halimbawa ng pangyayaring tila ang daming nangyayari sa kaunting panahon. Pansinin ang mga ulap bilang marka ng oras.

bloggif_558e39fa8e2f3

Link ng video: /https://youtu.be/nITQhDIcYs8

* Nais ko ring kumuha ng timelapse ng paglubog ng araw sa isang pook na wala masyadong nangyayari sa oras na iyon upang ipakita ang isang pangyayari sa totoong buhay kung saan lumilipas ang panahon ngunit walang masyadong nangyayari dahil hindi napapansin ang paglipas ng oras. Ngunit sa nakaraang linggo ay umuulan o maulap sa oras ng paglubog ng araw, kaya hindi na ako naka-video. Kapag mabuti ang aking kapalaran at makakuha ako ngayong linggo, idadagdag ko na lang dito. 🙂

Pinagkunan:

https://fractalontology.wordpress.com/2007/09/21/bakhtins-dialogic-imagination-notes-on-chronotope-and-the-novel/

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s